Mobile Legends: Bang Bang

 Forgot password?
 Register now.
View: 76|Reply: 0
Collapse the left

[Mod Post] Survival Nexus Patch Notes v25.1 [Advanced Server] - Tagalog Version

[Copy link]
Post time 2021-2-28 11:21 PM | Show all posts |Read mode


"Survival: Nexus" - Pambungad na Anunsyo

Ang mga mandirigma ng Land of Dawn! Kasunod ng update sa Advanced Server, ang Battle Royale Mode na “Survival: Nexus” ay bubuksan para subukan. Inaasahan namin na inyong ipapamahagi ang inyong mga suhestiyon, ideya, at feedback ukol sa bagong mode na ito sa amin! Sa mga karagdagang tanong o suhestiyon sa “Survival: Nexus”, mangyaring ipagbigay-abot sa amin sa Customer Service. Nawa’y ang pinakamalakas ay magtagumpay!



"Survival: Nexus" - Ang Storya

Sa mga nagdaang panahon, isang kahanga-kahangang kumpetsiyon ang sumisikat noong araw na ang Eruditio ay sinakop ng sakuna, na ngayong kinikilala bilang “Survival:Nexus”, ito ay umaakit ng mga kalahok mula sa Eruditio. Ang mga convenient terminals ay hinahayaan ang mga kalahok na kontrolin ang virtual avatars gamit lamang ang kanilang brainwaves, na magbibigay karanasan sa virtual realm sa pagsali nila sa kumpetisyong taktika. Ang mga tao sa likod ng “Survival: Nexus” ay nagpakita ng mga makalaglag-panga na papremyo, na ibibigay sa mga mabubuhay hanggang sa dulo. Pagkatapos ng ilang taong kapayapaan, ang mamamayan ng Eruditio ay tinanggap ang kompetisyon ng buong sagisag. Ngunit, kanilang natagpuan na ito ay hindi imbento ng mga scientist ng Eruditio, ito ay nagmula pa sa malayong Emperyo ng Moniyan. Nakakapagtaka at ang bawat manlalaro ay gagamitin ang parehas na avatar. Ito ay nagbungad ng pagiging mausisa tungo sa nagmamay-ari ng teknolohiyang ito.

Sa loob ng Castle Gorge Laboratory, si Beatrix ay nakaupo at pinapanuod ang mga mamamayan ng Eruditio nagbigay ngiti sa kaniya.



"Survival: Nexus" - Paano Laruin

Ang “Survival: Nexus” ay isang Battle Royale Mode na nakapokus sa taktika at survival. Sa mapa ng wasteland-style, 100 manlalaro ang maglalaro bilang si “Beatrix” na bubuo ng isang koponan binubuo ng dalawa manlalaro, at magkasamang papasok sa labanan. Ang mga manlalaro ay maghahanap ng mga halimaw o mga chest para makakuha ng kagamitan at mga sandata. Dagdag pa rito, sa “Survival: Nexus”, si Beatrix ay maaring gumamit ng iba’t-ibang sandata! Sa paghahanap ng mas magandang kagamitan, kakailanganin mong matakasan ang ever-encroaching poison gas. Ang huling duo na matitira ang magwawagi.



Notice:

1. Ang mode na ito ay maaring mapuntahan mula sa Arcade.
2. Kailangan mo munang i-download ang additional resources para sa mode na ito bago magsimula.
3. Walang Chest Points ang ibibigay sa mode na ito, ngunit maari ka pading makakuha ng Account EXP at BP.
4. Ilang achievements lamang ang kayang ma-unlock sa mode na ito, ang data nito ay hindi papasok sa inyong profile at hindi ito maapektuhan ang iyong Leaderboard Ranking.



Sign up now, Make more friends, Enjoy with more features, Let you easily Fun Community.

You have to Login for download or view attachment(s). No Account? Register

x
You have to log in before you can reply Login | Register now.

Points Rules

Mobile Phone Version|Dark Room|Mobile Legends: Bang Bang Official Forum

2021-5-7 04:21 PM GMT+8

Powered by Discuz! X3.4

© 2001-2013 Comsenz Inc.

Quick Reply To Top Return to the list