Mobile Legends: Bang Bang

 Forgot password?
 Register now.
View: 59|Reply: 0
Collapse the left

[Mod Post] Patch Notes 1.5.21 [Advanced Server] - Tagalog Version

[Copy link]
Post time 2020-10-17 12:40 AM | Show all posts |Read mode

Sign up now, Make more friends, Enjoy with more features, Let you easily Fun Community.

You have to Login for download or view attachment(s). No Account? Register

x
Advanced Server

Pinapakilala [Arena]

Minamahal naming mga manlalaro, ang makabagong mode na [Arena] ay magiging available para laruin pagkatapos ng update ng Advanced Server.

[Arena] Introduction

Sa [Arena] mode, ikaw ay mapapalaban sa isang player sa isang 1v1 battle. At ang iyong goal ay simple lamang, ang patumbahin ang Little Commander ng iyong kalaban bago niya mapatumba ang iyo. Para magawa ito, ikaw ay gagamit ng mga cards para magpalabas ng mga bayani at monsters at gumamit ng spell upang labanan ang troops ng iyong kalaban. Ang battle ay patuloy hanggang sa may matalo. [Shard], ang resource para magpalabas ng monsters at spells, ay nagge-generate kada segundo. At sa paggamit ng [Shards] sa pagpakawala ng mga bayani, [Essence] naman ay matatanggap.

Bagamat ang swerte ay kailangan minsan para sa magandang panimula, ang mode na ito ay nakasalalay sa iyong kapabilidad sa iyong stratehiya at pagde-desisyon upang manalo. Kaya, kahit na ikaw ay isang Magic Chess fan o isang rea-time strategy game lover, ang mode na ito ay iyong magugustuhan ng husto at hindi palalampasin!

1. Pagkuha ng mga cards
Pagkatapos pumasok sa [Arena], ikaw ay mabibigyan ng serye ng mga tutorial sa simula. Pagkatapos ng tutorial, ikaw ay mabibigyan ng 9 basic cards. Sa paglalaro mo, ikaw ay maaring makakuha ng cards mula sa Battle Chests at Summoning Orbs. Ang duplicate cards na makukuha ay maaring gamitin upang i-upgrade ang sumusunod na card upang palakasin ito. Dagdag pa rito, mas marami pang cards ang mau-unlock sa pagtaas ng iyong rank. Ang lahat ng cards ay mau-unlock kapag ang Legend Rank ay natamo. Mayroong dalawang level ng rarity ng Hero Cards, Uncommon at Rare. Mayroon ding dalawang level ng rarity para sa Monster/Spell Card, Common at Uncommon.

2. Pagbuo ng Deck
Maaring makita ang detalye ng mga cards at upgrade cards sa Collection. Kapag ikaw ay bumubuo ng deck, siguraduhing bigyan-pansin ang average Shard cost pati na rin ang deck composition, sapagkat ang reasonableng Shard cost curve at isang balanseng creature sa spell ratio ay maaring magbigay sayo ng pabor.

3. Mga Patakaran at Kondisyon sa Pagkapanalo
Sa loob ng laban ng [Arena], kailangan mong pumili ng iyong Little Commander at pumasok sa Ancient Arena para labanan ang iyong kalaban. Ang laban ay matatapos lamang kapag ang isa sa mga Little Commander ay napatumba. Kaya gamitin ang Shards at Essences nang wais at ilapag ang iyong cards nang may stratehiya. Sa malakas na power sa iyong Monsters at Spells, ang maayos na paggamit ng Hero card ay maaring magbunsod ng maganda sa arena.

4. Rank at Premyo
Maari kang makatanggap ng Rank Points. Battle Points, at Battle Chests tuwing natatapos ang laban. Maraming cards ang mauunlock sa mas mataas na rank. Maari kang makakuha ng Battle Points o cards na mayroon ka na mula sa Battle Chest.

Ito ang lahat ng basics para sa [Arena]. Kapag mayroong katanungan o suhestiyon ukol sa [Arena], mangyaring ipagbigay alam sa amin sa pamamagitan ng Customer Service. Ngayon, simulan na ang kasiyahan sa Arena!

Pakitandaan:
1. Maaring pumasok sa Arena mula sa Arcade Modes.
2. Kakailanganin mong i-download ang mode resource upang laruin ang mode na ito.
3. Maari kang makakuha ng account Exp at Battle Points mula sa Arena. Ngunit, di ka makakakuha ng Chest Points mula sa mode na ito.
4. Hindi ka maaring makakumpleto ng Achivements sa Arena Mode. Ang Arena statistics ay hindi mare-record sa iyong Profile o Leaderboards.

-Mobile Legends: Bang Bang


You have to log in before you can reply Login | Register now.

Points Rules

Mobile Phone Version|Dark Room|Mobile Legends: Bang Bang Official Forum

2020-12-3 06:29 AM GMT+8

Powered by Discuz! X3.4

© 2001-2013 Comsenz Inc.

Quick Reply To Top Return to the list