Mobile Legends: Bang Bang

 Forgot password?
 Register now.
View: 109|Reply: 0
Collapse the left

[Mod Post] Patch Notes 1.5.10 AS - Project "NEXT" Phase 2 - Tagalog Version

[Copy link]
Post time 2020-9-12 07:55 PM | Show all posts |Read mode

Sign up now, Make more friends, Enjoy with more features, Let you easily Fun Community.

You have to Login for download or view attachment(s). No Account? Register

x
Advanced Server

Pagpapakilala sa Phase 2 Test ng Proyektong “NEXT”

Minamahal naming mga manlalaro, ang MLBB ay nagsusumikap na gumawa ng maraming pagsasaaayos at optimization para sa isang magandang quality at content para sa aming mga manlalaro. Bilang malaking parte ng aming pagbabago sa taong 2020, kami ay maglalabas ng proyektong “NEXT” sa ikalawang kalahati ng taong ito, na magpapakita ng serye ng mga battle-field upgrades at revamp at pagbabago sa mga ilang bayani.
Bago ang opisyal na paglabas ng proyektong “NEXT”, inaanyayahan naming kayo na sumali sa Phase 2 Test ng Proyektong “NEXT”, maranasan ang ilan sa mga bagong content kasama ang mga pagbabago sa battlefield at hero revamp.
Habang isinasagawa ang test, kapag mayroong suhestiyon o katanungan, mangyari kaming i-contact sa pamamagitan ng Customer Service. [I-tap ang Customer Service Button sa Main Scren.] Ang iyong feedback ay makakatulong sa amin upang mapaganda ang proyekto at makapagbigay ng isang magandang game experience sa inyo. Para sa mga magagandang suhestiyon, kami ay magbibigay ng pabuya kasama ang diamonds. At para ipakita ang aming pasalamat, ang lahat ng players na nakilahok sa test ay magkakaroon ng espesyal na regalo pagkatapos ng test.
Tandaan na ito ay isang maliit na test lamang. Resulta nito, maari kang makapaghintay ng mahabang oras para sa matchmaking o hindi makapaglaro sa iyong mga kaibigan. Para sa ilang inconvenience na maaring ibigay nito, kami ay humihingi ng pasensya.
Salamat sa pagsuporta ng Phase 2 Test ng Proyektong “NEXT”. Nawa’y ang tagumpay ay laging nasa inyo!

________________________________________
[Spear of Dragon] Zilong
Hero Feature: Isang spear ng danta, isang master ng mga spears
Passive: [Dragon Flurry]

Pagkatapos ng bawat 3 Basic Attacks, si Zilong ay nagkakaroon ng [Dragon Flurry] sa kasunod niyang Basic Attack, na aatake sa kalaban ng maraming beses, na magbubunsod ng damage at magbibigay ng HP nang naayon sa kaniyang Physical Attack. (Ang Dragon Flurry ay nakakakuha lamang ng benepisyo ng isang beses sa Demon Hunter Sword)

Skill 1: [Spear Flip]
Si Zilong ay itataas ang kalaban papunta sa kaniyang likod, magdudulot ng Physical Damage.

Skill 2: [Spear Strike]
Si Zilong ay susugod paunahan sa target at titirahin ang kalaban gamit ang kaniyang Dragon Spear na magbubunsod ng Physical Damage sa target at pabababain Physical Defense ng target. Ang cooldown ng [Spear Strike] ay nauulit kapag si Zilnog ay nakakapatay sa target.

Ultimate: [Supreme Warrior]
Si Zilong ay makakatanggap ng Movement Seed, Attack Speed, at Slow Immunity. Ang lahat ng slow effects kay Zilong ay matatanggal sa paggamit nito. Habang ang [Supreme Warrior] ay active. Ang [Dragon Flurry] ay maaring matrigger kada 2 Basic Attack sa halip na 3 Basic Attack.

________________________________________

[Wandering Sword] Saber
Hero Feature: Isang master ng mga espada sa paghahanap ng kaniyang sarili

Passive: [Enemy’s Bane] Ang damage ni Saber ay binabawasan ang Physical Defense ng kalaban.

Skill 1: [Flying Sword]
Si Saber ay maglalabas ng 5 flying sword, ang bawat sword ay magdudulot ng Physical Damage. Pagkatapos umikot kay Saber ng ilang beses, ang swords ay lilipad pabalik kay Saber. Kapag si Saber ay nagdulot ng Basic Attack o skills habang umiikot ito, siya ay magbabato ng sword sa kalaban na magdudulot ng Physical Damage sa main target. Ang damage sa ibang target sa daan ay humihina. Ang cooldown ng [Charge] ay binawasan.

Skill 2: [Charge]
Si Saber ay susugod papunta sa ninais na direksyon, na magdudulot ng Physical Damage sa kalaban na madadaanan nito. Si Saber ay magkakaroon ng enhanced Basic Attack pagkatapos ng charge na magdudulot ng Physical Damage at pababagalin ang target.

Ultimate: [Triple Sweep]
Si Saber ay susugod patungo sa kalabang bayanin at paliliparin ang kalaban. Habang ginagawa ito, si Saber ay magdudulot ng tatlong mabilis na magkasunod na tira. Ang unang dalawang tira ay magdudulot ng Physical Damage, na kung saan ang ikatlo ay magdudulot ng extra Physical Damage.


________________________________________

[Moonlight Archer] Miya
Hero Feature: Isang Moon-Blessed Marksman
Skill 1: [Moon Arrow]
Ang Basic Attack ni Miya ay mahahati sa tatlong pana, na magkakaroon ng dalawang adisyonal na target.

Skill 2: [Arrow of Eclipse]
Si Miya ay tatawagin ang kapangyarihan ng Moon Eclipse at magdudulot ng isang pinalakas na pana sa ninais na direction. Sa pagtama nito sa lupa, ang pinalakas na pa na ay magdudulot ng Physical Damage sa kalaban sa area, patitigilin sila at ang pana ay mahhati sa 8 maliliit na titira sa paligid. Ang bawat arrow ay magdudulot ng damage at pababagalin ang kalaban.

Ultimate: [Hidden Moonlight]
Si Miya ay tatanggalin ang lahat ng debuffs agad-agad, itatago ang sarili at magkakaroon ng dagdag Movement Speed. Siya ay magkakaroon agad-agad ng full stacks ng Moon Blessing pagkatapos matapos ng pagtatago.

Passive: [Moon Blessing]
Ang bawat Basic Attack ni Miya sa target, ang Attack Speed niya ay madadagdagan. Ang bonus na ito ay maaring magpatong hanggang 5. Pagkatapos makakuha ng punong stack, si Miya ay magpapalabas ng Moonlight Shadow na tutulong sa kaniya sa bawat Basic Attack, na magdudulot ng Physical Damage.


________________________________________

[Energy Gunner] Layla
Hero Feature: Isang talentadong Marksman na may Energy Gun

Skill 1: [Malefic Bomb]
Si Layla ay titira ng Energy Bomb, na magdudulot ng damage sa unang kalaban na matatamaan nito at dadagdagan ang kaniyang range ng Basic Attac.

Skill 2: [Void Projectile]
Si Layla ay maglalabas ng energy ball na sasabog, na magdudulot ng damage sa kalaban at kalapit kalaban na magbibigay ng Magic Marks sa kanila. Si Layla ay maaring pasabugin ang mga Magic marks sa kalaban gamit ang kaniyang mga susunod na atake, na magbubunsod ng damage sa kalaban at kalapit kalaban at pababagalin sila.

Ultimate: [Destruction Rush]
Si Layla ay titira ng isang energy blast, na magbubunsod ng damage sa kalaban sa daan. Ang bawat skill upgrade nito ay madadagdagan ang range ng kaniyang Basic Attack at Void Projectile.

Passive: [Malefic Gun]
Ang damage ng Basic Attack ni Layla ay mas tumataas sa distansya sa pagitan niya at ng kalaban.


________________________________________

[Demon Hunter] Alucard
Hero Feature: Ang demon hunter na dala-dala ang galit ng mga demonyo.
Passive: [Pursuit]
Kapag ang skill ni Alucard ay tumama lamang sa isang kalaban, maari itong magdulot ng ilang beses na damage. Pagkatapos gamitin ang skill, maari siyang sumugod sa kaniyang kalaban sa kaniyang kasunod na Basic Attack, na magdudulot ng extra damage. Ang kaniyang skills ay maaring makakuha ng benepisyo mula sa Physical Lifesteal.

Skill 1: [Groundsplitter]
Si ALucard ay tatalon sa ninais na area, na magdudulot ng damage sa lahat ng kalaban sa area at pababagalin sila.

Skill 2: [Whirling Smash]
Si Alucard ay titirahin ang mga kalapit na kalaban, na magdudulot ng Physical Damage.

Ultimate: [Fission Wave]
Si Alucard ay hihigupin ang energy ng kaniyang kalaban sa ninais ng area, patataasin ang kaniyang Physical Lifesteal. Sa loob ng ilang oras, ang kaniyang Passive ay maaring matrigger kapag siya ay nagdudulot ng damage sa kalaban. Sa loob ng oras na ito, siya may maaring maglabas ng isang malaking shock wave patungo sa kalaban, na magdudulot ng malaking damage sa kalaban.


________________________________________

[Lightning Sorceress] Eudora
Hero Feature: Isang master ng kapangyarihang kidlat

Passive: [Superconductor]
Ang skill ni Eudora ay maaring magdulot ng [Superconductor] sa kalaban. Ang dagdag effect nito ay nasa mga skill na gagamitin ni Eudora na apektado ng [Superconductor]

Skill 1: [Forked Lightning]
Si Eudora ay gagamit ng fork lightning, na magdudulot ng Magic Damage sa kalaban sa loob ng fan-shaped area sa kaniyang harap. Ang mga kalaban na apektado ng [Superconductor] ay makakatanggap ng dagdag damage pagkatapos ng ilang saglit.

Skill 2: [Electric Arrow]
Si Eudora ay maglalabas ng lightning bolt patungo sa kalaban na magdudulot ng Magic Damage na magsta-stun sa kalaban, at pabababain ang Magic Defense ng target sa loob ng kaunting saglit. Kapag ang target ay apektado ng [Superconductor], ang lightning bolt ay mahahati sa maliliit na bolt na kapag tumama ay kakalat sa mga kalapit na kalaban, na magdudulot ng Magic Damage at masta-stun.

Ultimate: [Thunder’s Wrath]
Si Eudora ay maglalabas ng malaking lightning storm, na magdudulot ng Magic damage sa target. Kapag ang target ay apektado ng [Superconductor], ang madidilim na ulap ay lalabas sa ulo ng kalaban. Pagkatapos ng ilang saglit, lalabas ang mga kidlat mula sa ulap, na magdudulot ng Magic Damage sa kalaban sa loob ng area of effect. Habang ang lightning charge ay kakalat sa lupa patungo sa kalapit kalaban na nagdudulot ng damage.

In-optimize ang model, animation, visual effect, at sound quality ng ilang mga bayani:

Little Red Hood – Ruby
Dire Wolf Hunter – Roger
Queen of the Apocalypse - Alice
Kung Fu Boy - Chou
Power of Megalith - Hilda
Blade Dancer - Fanny


1. In-optimize ang ilang battlefield visual effects. Ngayon, mas detalyado na sila.
2. In-optimize ang performance kapag tinataasan ang camera height. Mas smooth na ngayon.
3. Ang Default Map ay binago mula Celestial Palace sa Imperial Sanctuary.
4. Dinagdag ang bagong control methods.
Dinagdag ang bagong control method sa isang single targeting ng skill at Basic Attack. Maari nang i-on ang “Basic Attack Smart Targeting” at “Skill Smart Targeting” sa Settings – “Controls”. Ang function na ito ay papipiliin ka sa target ng mas precise.
5. In-optimize halos ang lahat ng equipment item icons.
6. In-optimize ang locking logic pagkatapos gamitin ang skill button para sa ilang heroes, kasama sina Bane, Layla, Balmond, Sun, Ruby, Aurora, Odette, Valir, at Baxia.



1. Para magkaroon ng pagkakaisa ang hero image sa background story, kami ay nagdagdag ng bagong background story para sa ilang hero sa hero display interface, at patuloy naming babaguhin sa hinaharap.
2. In-optimize ang art performance at proseso ng Tutorial.
3. In-optimize ang red dot reminders.
4. In-optimize ang icons ng ilang frequently used items.



Mobile Legends: Bang Bang


You have to log in before you can reply Login | Register now.

Points Rules

Mobile Phone Version|Dark Room|Mobile Legends: Bang Bang Official Forum

2020-12-2 08:16 AM GMT+8

Powered by Discuz! X3.4

© 2001-2013 Comsenz Inc.

Quick Reply To Top Return to the list