Mobile Legends: Bang Bang

 Forgot password?
 Register now.
View: 146|Reply: 0
Collapse the left

[Mod Post] 1.4.94 Patch Notes ~ Original Server, Tagalog Version

[Copy link]
Post time 2020-7-23 07:09 PM | Show all posts |Read mode

Sign up now, Make more friends, Enjoy with more features, Let you easily Fun Community.

You have to Login for download or view attachment(s). No Account? Register

x
Edited by imAldric at 2020-7-23 12:11 PM
Mula Sa Mga Designer


Magic Chess Season 2 - Cadia Tales

Ang huling update ay isang malaking tagumpay dahil may napakalaking positibong feedback mula sa ating mga manlalaro. Sa mga bagong bayani at synergy, nagawa ng ating mga manlalaro na makabuo ng mas maraming diskarte, sa laro.
Ngunit napag-alaman din namin na ang mga malaking pagbabago sa synergy ay naging sanhi ng paghihirap para sa ilang mga manlalaro upang matutunan ang bagong mekanismo.
Sa gayon, nagtakda kami ng isang layunin para sa aming sarili kapag nagdidisenyo ng bagong update: upang gawin ang bagong content na madaling matutunan ang bagong nilalaman at kakaiba ang karanasan. Sa kabutihang palad, nakagawa kami ng ilang mga plano, at ang ilan sa mga ito ay naipatupad sa update na ito ng bagong season - Cadia Tales.

Sa Cadia Tales, magkakaroon ng isang pag-rotate ng bayani, at ang mga bagong bayani kabilang ang inaabangan na si Yu Zhong ay kasali sa Magic Chess! Habang ang ilang mga pagsasaayos ay ginawa sa Synergy, maraming bagong content ang idinagdag sa Equipment at sa mga Little Commander.


[RAVAGE]
Nagbabalik ang Ravage Mode!
Bilang pinaka-mabilis na mode, ang Ravage Mode ay available lamang sa maikling panahon noong nakaraang taon.
Sa nakaraang taon, nakagawa kami ng isang makabuluhang update sa mode na ito ayon sa feedback ng nakaraang taon, kasama ang bagong mode na 3V3. Para sa mga detalye, mangyaring tumingin sa mode patch notes.


1. Mga Bagong Bayani & Na-revamp na Bayani

1.[Desert Scimitar] - Khaleed,
Ang presale ng bagong bayani ay magsisimula sa ika-31 ng Hulyo. Ang Opisyal na panglulungsad ay sa ika-7 ng Agosto. 30% Diamonds OFF sa launch week.
Feature ng Bayani: Isang maliksi at walang takot na fighter na lumalaban gamit ang tulong ng Desert Power.
Skill 1: [Desert Tornado] Si Khaleed ay titira ng mga buhanging kutsilyo, nagdudulot ng pinsala sa mga malapit na kalaban. Sa pagtama sa kalaban, muli siyang tatalon sa direksyon ng paggalaw at ica-cast muli ang skill na ito na may ' maximum na 3 beses.
Skill 2: [Quicksand Guard] Poprotektahan ni Khaleed ang kanyang sarili gamit ang kapangyarihan ng kumunoy, magpapanumbalik ng HP at Desert Power at binabawasan ang pinsalang natanggap. Samantala, ang kumunoy ay lilitaw sa ilalim ng kanyang paa, pababagalin ang mga kalabang malapit.
Ultimate: [Raging Sandstorm] Si Khaleed ay magsa-summon ng sandstorm at susugod patungo sa itinalagang lugar, magkakaroon ng Control Immunity, nagdudulot ng pinsala sa mga kalaban sa daan at patuloy silang tinutulak. Sa pagdating sa destinasyon, yayanigin ni Khaleed ang lupa, magdudulot ng matinding pinsala sa mga kalaban na nasa loob ng nasasakupan at i-stun sila.
Passive: [ Si Khaleed ay nag-iipon ng Desert Power habang gumagalaw. Matapos maging ganap na naka-charge ang Desert Power, si Khaleed, ay magpapadulas sa buhangin, patataasin ang Movement Speed at pahuhusayin ang susunod na Basic Attack. Gamit ang pinahusay na Basic Attack, si Khaleed ay susugod sa target at magpapaangat ng isang alon ng buhangin, magdudulot ng pinsala sa target at mga kalaban sa likuran at mag-iiwan ng lawa ng buhangin. Si Khaleed ay madaragdagan ang Movement Speed sa lawa ng buhangin samatala, ang kanyang mga kalaban ay pababagalin dito.


II. Mga Lingguhang Libreng Bayani & Bagong Skin

1.Ang bagong skin ni Baxia na "Badass Roller" ay magiging available sa ika-14 ng
Hulyo (Oras ng Server). Diamond 599. 30% Diamonds OFF sa Launch week.
Si Baxia at ang kanyang skin na "Badass Roller" ay magiging bundle at available sa ika-14 ng Hulyo (Oras ng Server). 30% Diamonds OFF sa Launch week.

2.Ang bagong skin ni Ling na "Night Shade" ay magiging available sa ika-17 ng Hulyo (Oras ng Server). Diamond 899. 30% Diamonds OFF sa Launch week.
Si Ling at ang kanyang skin na "Night Shade" ay magiging bundle at available sa ika-17 ng Hulyo (Oras ng Server). 30% Diamonds OFF sa Launch week.

3.Ang bagong skin ni Nana na "Sundress" ay magiging available sa ika-21 ng Hulyo (Oras ng Server). Diamond 749. 30% Diamonds OFF sa Launch week
Si Nana at ang kanyang skin na "Sundress" ay magiging bundle at available sa ika-21 ng Hulyo (Oras ng Server). 30% Diamonds OFF sa Launch week.

4.Bagong skin ni Angela na "Summer Vibes" ay magiging available sa ika-21 ng Hulyo (Oras ng Server). Diamond 749. 30% Diamonds OFF sa Launch week.
Si Angela at ang kanyang skin na "Summer Vibes" ay magiging bundle at available sa ika-21 ng Hulyo (Oras ng Server). 30% Diamonds OFF sa Launch week.

5.Pagsasaayos sa Fragment Shop sa ika-15 ng Hulyo:
a. Rare Skin Fragment Shop Magiging available: Franco "Apocalypse", Alucard "Viscount", Gusion "Cyber Ops", Fanny "Royal Cavalry", Hanabi "Fiery Moth"
Hindi magiging available: Miya "Captain Thorns", Karina "Black Pearl", Clint "Rock and Roll", Harley "Royal Magister", Alice "Steam Glider"
b. Hero Fragment Shop Magiging available: Pharsa, Angela, Wanwan, Cecilion, Carmilla, Baxia Hindi magiging available: Hayabusa, Gusion, Kimmy, Estes, Hanzo, Masha

8 Mga Libreng Bayani: Oras ng Server 7/31/2020 05:01:00 hanggang 8/7/2020 05:00:00 (I-tap ang Settings button sa itaas na kanang sulok ng main page para suriin.)
Vexana; Moskov; Lunox; Trithel; Karrie; Sun; Aldous; Franco
6 Ekstrang Bayani ng Starlight Member: Lylia; Kimmy; Wanwan; Pharsa; Minotaur; Baxia

8 Mga Libreng Bayani: Oras ng Server 8/7/2020 05:01:00 hanggang 8/14/2020 05:00:00 (I-tap ang Settings button sa itaas na kanang sulok ng main page para suriin.)
Akai; Cecilion; Estes; Argus; Vale; Martis; Harith; Faramis
6 Ekstrang Bayani ng Starlight Member: Alpha; Diggie; Kagura; Aldous; Khufra; Terizla

8 Mga Libreng Bayani: Oras ng Server 8/14/2020 05:01:00 hanggang 8/21/2020 05:00:00 (1-tap ang Settings button sa itaas na kanang sulok ng main page para suriin.)
Lolita: Rafaela: Yi Sun-shin: Kimmy: Gatotkaca: Ling: Minsitthar: Valir
6 Ekstrang Bayani ng Starlight Member: Chang'e; Moskov; Lancelot; Clint; Argus; Belerick

8 Mga Libreng Bayani: Oras ng Server 8/21/2020 05:01:00 hanggang 8/28/2020 05:00:00 (1-tap ang Settings button sa itaas na kanang sulok ng main page para suriin.)
Thamuz; Clint; Hanabi; Hilda; Carmilla; Trithel; Dyrroth; Leomord
6 Ekstrang Bayani ng Starlight Member: Cecilion; Gusion; Zhask; Ruby; Bane; Uranus

8 Mga Libreng Bayani: Oras ng Server 8/28/2020 05:01:00 hanggang 9/4/2020 05:00:00 (1-tap ang Settings button sa itaas na kanang sulok ng main page para suriin.)
Hayabusa; Fanny; Roger; Lancelot; Esmeralda; Angela; Zhask; Wanwan
6 Ekstrang Bayani ng Starlight Member: Chou; Baxia; Lapu-Lapu; Faramis; Hanzo; Terizla

8 Mga Libreng Bayani: Oras ng Server 9/4/2020 05:01:00 hanggang 9/11/2020 05:00:00 (1-tap ang Settings button sa itaas na kanang sulok ng main page para suriin.)
Granger; Atlas; Minotaur; Helcurt; Johnson; Masha; Khufra; Hanzo
6 Ekstrang Bayani ng Starlight Member: Harley; Hanabi; X.Borg; Selena; Kagura; Sun


III. Mga Pagsasaayos sa Bayani

Sa patch na ito, higit sa lahat ay inayos namin ang mga bayani ito: Vale, Cyclops, Alpha, Yu Zhong, Kaja, Granger, Claude, Kimmy, Khufra, Gatotkaca, Balmond, Hilda, Esmeralda

[Vale]
Wind Blade: Sorrow - Inayos ang base damage mula 280-505 patungong 300-550.
Windblow - Inayos ang slow effect mula 30% patungong 40%. Windblow: Control - Inayos ang tagal ng airborne mula 0.9 patungong 1.2s.
Windstorm: Death - Inayos ang base damage mula 960-1440 patungong 1200-1800.

[Cyclops]
Planets Attack - Ang decay ratio patungo sa parehong target pinataas mula 50%-70% patungong 60%-90%.
Stardust Shock - Ang base damage ng bawat stardust wave ay pinataas ng 30 sa lahat ng level

[Alpha]
Rotary Impact - Inayos ang low effect mula 40% ginawang 70%. Bahagyang pinataas ang lapad ng effect area. Pinag-synchronize ang visual effect at ang aktwal na area of effect.
Force Swing - Inalis ang slow effect. Ang Mana Cost ay binawasan mula 65-90 patungong 45-70.
Spear of Alpha - Ang base damage na naidudulot ni Beta ay pinataas mula 205-285 patungong 225-315, at Physical Attack Bonus ay pinataas mula 80% patungong 280%. Inayos ang cooldown mula 24s sa lahat ng level patungong 24-20s.

[Yu Zhong]
Ang pagganap ni Yu Zhong sa Advanced Server ay nagpapakita na medyo mahirap para sa mga manlalaro na ma-trigger ang pagsabog ng Sha Residue, kaya't nagtakda kami ng mataas na benepisyo para sa epektong ito. Gayunpaman, napag-alaman namin na halos dalawang beses na mas maraming manlalaro tulad ng dati ang makakagamit ng mekanismong ito. Upang harapin ang problema sa balanse na sanhi ng madalas na mataas na pagpapanumbalik ng HP, inayos namin ang halaga ng pagpapanumbalik ng HP. Samantala, bahagyang binawasan namin ang nakukuhang Movement Speed mula sa ganap na pag-charge ng Sha Essence upang mapagaan ang problema.
Cursing Touch - Ang HP Restoration mula sa bawat pagkonsumo ng stack ay binawasan mula 8% ng nawalang HP patungong 6%. Ang nakukuhang Movement Speed ay binbawasan mula 40% patungong 30%.

[Kaja]
Dahil ang suppression effect ng ultimate ni Kaja ay hindi maaaring i-purify napag-alaman namin na siya ay naging medyo mahirap para sa mga manlalaro na harapin at ang kanyang kakayahan sa pag-burst ay labis na malakas sa early game. Sa gayon ay binawasan namin ang kanyang lugar ng crowd control at burst na pinsala sa early game, habang pinalakas ang kanyang kakayahan na sustained damage.
Ring of Order - Binawasan ang base damage mula sa 150-350 patungong 120-270. Binawasan ang cooldown mula sa 8-6.5 patungong 7-5s. Binawasan ang mana Cost mula sa 60-110 patungong 50-75.
Divine Judgment: Binawasan ang skill range ng 15%.
Wrath Sanction - Ang bonus damage na nakabase sa max HP ay inayos mula 6% patungong 4%. Ang Magic Power Bonus ay pinataas mula 70% patungong 100%.

[Granger]
Rhapsody - Inayos ang base damage mula sa 15-155 patungong 30-180. Inayos ang Physical Attack Bonus mula sa 80% patungong 70%.
Rondo - Inayos ang ekstrang pinsala para sa susunod na 2 mga Basic Attack mula sa 10%-20% patungong 10%-30%.
Death Sonata - Inayos ang base damage mula sa 120-200 patungong 30-120. Inayos ang Physical Attack Bonus mula sa 100% patungong 70%. Ang skill ay nagdudulot din ng 12% ng nawalang HP ng kalaban bilang Physical Damage ngayon.

[Claude]
Art of Thievery - Inayos ang nakukuhang Attack Speed at Movement Speed mula sa 3.5%-6% patungong 2%-4.5%.


[Kimmy]
Energy Transformation - Inayos ang Physical Attack Bonus mula sa 42% patungong 34%-44%. Inayos ang Magic Power Bonus mula sa 48% patungong 40%-50%.
Chemical Refinement - Ang mga yunit ng kalaban ay mapapanumbalik ang Movement Speed nang mas mabilis ngayon pagkatapos umalis sa area of slow effect.
Maximum Charge - Inayos ang cooldown mula sa 24-16 patungong 28-20s.

[Khufra]
Tyrant's Revenge - Inayos ang base damage mula sa 80-230 patungong 150-250. Inayos ang Damage Bonus mula sa 10% ng Max HP sa lahat ng level patungong 7.5%-10%.
Bouncing Ball - Inayos ang Damage Bonus mula sa 5% ng Max HP sa lahat ng level patungong 3.5%-6%. Inayos ang nakukuhang Physical & Magic Defense mula sa 60%-100% patungong 50%-100%. Inayos ang Slow duration mula sa 0.5 patungong 0.2s.


[Gatotkaca]
Blast Iron Fist - Inayos ang base damage sa pagtagal ng panahon mula sa 75-150 patungong 100-150.
Unbreakable - In-optimize ang response kapag nag-charge sa harang. Ngayon, maaari nang tumagos si Gatotkaca sa harang nang mas eksakto.
Steel Bones - Ang pinsala ng kanyang pinahusay na Basic Attack ay binawasan ang pagtaas ayon sa kanyang level ngayon. Nagpapanumbalik siya ng HP base sa 'pagkonsumo ng Rage.

[Balmond]
Cyclone Sweep - Inayos ang Base Damage mula 60-180 patungong 50-200. Ang Physical Attack Bonus ay pinataas mula 35% patungong 50%. Tanging ang Physical Attack Bonus damage ang maaaring mag-critical ngayon. In-optimize ang skill description.
                                                           Lethal Counter - Binawasan ang cooldown mula 40-26 patungong 32-24s.                                                                                                                                                                                                                                                                  
[Hilda]
Combat Ritual - Inayos ang isyu kung saan ang pinahusay na Basic Attack ay hindi nakakapag trigger ng attack effects.
Power of Wildness - Inayos ang isyu kung saan ang skill range ay masyadong maliit bago maabot ang full stacks. Ang limit ng stack ay binawasan mula 10 patungong 8. Ang Damage increase ng bawat stack ay tinaasan mula 40-50 patungong 50-60. Ang bilang ng stack ay pinapakita na sa ibaba ng HP bar ngayon.

[Esmeralda]
Frostmoon Shield: Ang pagkakaroon ng Shield ay inayos mula 420-770 patungong 350-700.
Stardust Dance - Ang Slow effect ay binawasan mula 25% patungong 10%. In-optimize ang skill description.

[Yi Sun-shin]
Pinaiksi nang kaunti ang backswing ng kanyang Basic Attack.
Heavenly Vow - Ang pagkakaroon ng Movement Speed mula sa Turtle Ship pagkatapos ng pagkawala ay tinaasan mula 15% patungong 21%.
Dauntless Fleet - Nai-synchronize ang indicator size sa aktwal na effect.

[Valir]
Searing Torrent - Ang cooldown ay inayos mula sa 11-9 patungong 13-10s.

[Zhask]
Inayos ang isyu kung saan ang pinahusay na Nightmaric Spawn ay hindi nababawasan ng HP kapag inatake ng creeps.

[Masha]
Inayos ang isyu sa bilang ng pinsala ng Wild Power at Thunderclap.
Wild Power - Kapag active, ang karagdagang base damage ng kanyang Basic Attack ay inayos sa 120 sa lahat ng level.


IV. Mga Pagsasaayos sa Battlefield

Battlefield

1.Pinataas ang Movement Speed ng Side Lane Minions.
2.In-optimize ang mga Role at Label ng ibang mga bayani.
a. Alice: Bagong Secondary Role - Tank
b. Kadita: Bagong Secondary Role - Assassin
c. Masha: Inalis ang Secondary Role - Tank
d. Karina, Gusion, Guinevere, Silvanna: Inalis ang Secondary Role - Mage; New Label - Magic Damage
e. Lolita: Pinagpalit ang Primary Role at Secondary Role. Siya ngayon ay isa nang Support/Tank
3.In-optimize ang map performance ng Imperial Sanctuary sa Ultra Graphics.
4.Inayos ang abnormal damage result kapag si Harley ay nag-cast ng kanyang Ultimate kay Kupa.
5.Inayos ang isyu kung saan si Yu Zhong ay maagang lalabas sa Barrel kapag gumamit ng Barrel skill nang naka Black Dragon form sa Brawl Mode.
6.Inayos ang abnormal skill timer ng Skill 1 ni Lesley dulot ng pag-alis sa mga bush pagkatapos gamitin ang skill.
7.Inayos ang isyu sa kulay ng model ni Ling pagkatapos makaalis sa pader dulot ng pag-alis sa mga bush pagkatapos gamitin ang kanyang skill 1.
8.Inayos ang isyu na nangyayari kapag si Yi Sun-shin at Jawhead at magkasama sa isang laban.


Equipment
Ang mga statistic ay ipinapakita na kapag pinahusay ng mga tiyak na equipment at buff, malaking bilang ng mga Assassin at Marksman ay nakapagdudulot nang lubos na pinsala sa isang Basic Attack. Upang mapalawig ang pagpipilian sa build at ang gameplay para sa ating mga manlalaro, inayos namin ang mga equipment at buff na ito sa ilang aspeto.

1. Blade of the Heptaseas
Ang Physical Attack ay pinataas mula 65 patungong 70.
Unique Passive: Ambush - Ang ekstrang base damage ng susunod na Basic Attack ay tinaasan mula 180 patungong 240, kung saan ang Physical Attack Bonus ay binawasan mula 100% patungong 60%.

2. Blade of Despair
Ang Physical Attack ay binawasan mula 170 patungong 160.

3. Raptor Machete
Ang Unique Passive ay nagdudulot ng Physical Damage sa halip na True
Damage tulad ngayon. In-optimize ang paglalarawan.

4.Core Guard
Soul of Lava: Ang pinsala para sa Marksman/Mage/Support ay inayos mula sa 50+60% Physical Attack patungong 50+30% Physical Attack+50*Attack Speed. Ang Slow effect ay binawasan mula 30% patungong 20%.
Ang pinsala para sa Assassin/Fighter/Tank ay inayos mula sa 50+20% Physical Attack patungong 50+20% Physical Attack+30*Attack Speed. Ang Slow effect ay binawasan mula 80% patungong 60%.

Creeps
1.Ang maliliit na Crab ay nagi-spawn na ngayon tuwing 42s patungo sa laban sa halip na 45s.
2. Walkie Grass - Ang HP Restoration bawat segundo para sa mga kakamping bayani ay binawasan mula 2% patungong 1%. Ang HP Restoration para sa mga
minion ay hindi nabago.


V. Mga Bagong Event & Feature

1. Ang mga KOF skin ay babalik LAMANG NANG 30 ARAW, kasama sina lori Yagami, Leona, K', at Kula Diamond.
a. Habang may event, maaari kang makakuha ng Epic skin, Special skin, Elite skin, Basic skin, permanenteng rare battle emote, at iba pang item sa prizepool sa pamamagitan ng pagsasagawa ng lucky draw.
b. Si "Leona" ay garantisado kapag ikaw ay nagsagawa ng 10th draw sa unang pagkakataon. Ang mga doble na makukuha sa event ay mako-convert sa isang random Epic Skin.
c. Isang random Epic Skin ang garantisado sa bawat 10 draw.
d. Isang KOF skin ang garantisado matapos makakumpleto ng Bingo line sa unang 2 pagkakataon.
e. Kumumpleto ng pahalang, patayo, o palihis na linya upang makamit ang Bingo at manalo ng Epic Skin na hindi mo pa pagmamay-ari.
f. I-tap ang prize pool upang makita ang mga detalye ng gantimpala.
g. Ang mga Duplicate skin na makukuha sa event ay awtokmatikong magiging Skin Fragments
h. Kapag natapos ang event, ang mga related item kasama ang KOF Bingo Lotteries ay awtomatikong aalisin. Naaayon pa dito, ilang Battle Points ay ibabalik sa in-game mail.
i. Sagad sa 10 record ng pagkuha ng mga skin ang ipapakita sa history.

2. Summer Carnival Skin Gifting Event
a. Kapag ang iyong kaibigan ay nagpadala sa iyo ng Nana "Sundress" o Angela "Summer Vibes" bilang isang regalo, maaari mong kunin ang isa sa mga Summer Carnival Avatar Border sa event page.
b. Kapag nakuha mo ang Nana "Sundress" at Angela "Summer Vibes", maaari
mong kunin ang isa sa mga Summer Carnival Avatar Borders sa event page.
c. Maaari ka lamang kumuha ng ISANG Avatar Border sa event na ito. Mangyaring pumili nang maigi.
d. Mangyaring tandaan na kunin ang Avatar Border habang may event dahil hinti na ito maaaring makuha pagkatapos ng event.

3. Network Boost Function
a. Available na ang Network Boost Function. Makakatulong ito sa iyo na mapabuti ang koneksyon sa battlefield. Ang function na ito ay nangangailangan ng parehong 4G at WiFi.
b. Maaari mong i-on ang function na ito sa pamamagitan ng Pag-tap sa Settings sa kanang tuktok sa Main Screen -> Network Setting -> Network Boost switch, o Pag-tap sa Settings sa battlefield -> Network Setting -> Network Boost switch.
c. Ang function na ito ay available lamang sa mga Android na device. Malapit na sa iOS, mangyaring manatiling nakatutok!



VI. Pagsasaayos sa System

1.Ang invalid na laban ay maaari na ngayong matrigger kapag ang manlalaro ay nagsimulang mag-AFK sa unang 0-3s ng laban, sa halip na Os.

2.Ang mga invalid na laban ay hindi nabibilang sa win rates ng mga paborito mong bayani ngayon.

3.Idinagdag ang low battery reminder.

4.In-optimize ang Team Recruit Channel: Mas marami ka na ngayong pagpipilian na ipadala sa mensahe sa pag-recruit. (e.g., ang role na gusto mo para sa iyong koponan)

5.In-optimize ang UI ng lobby.

6. Inayos ang Chapter III ng Mastery Code para kay Freya at Luo Yi.

7. Pag-optimize sa MCL
a. Pinasimple ang proseso ng promosyon/pagtanggal. Nilinis ang mga paulit-ulit
Pahayag
na interface.
b. Maari ka nang magpadala ngayon ng Quick Chat sa MCL lobby.
8.Nagdagdag ng special effects sa mga miyembro ng koponan ng MCL champion at 5-player na koponan sa loading screen.
9.Isang bagong style ang inilagay sa bullet screen na ipinadadala ng streamer

10.Inayos ang isyu sa sound effect na dulot ng reconnection.

11. Mga Pagsasaayos sa Patakaran ng Parusa sa Pag-AFK
a. Ang pagsasagawa ng short period AFK nang maraming beses ay ituturing na AFK at ang manlalaro ay mapaparusahan.
b. Kung ang kabuuuang oras ng pag-AFK ng isang manlalaro ay lumagpas sa tukoy na takdang panahon, ang manlalaro na ito ay hindi makakukuha ng star kahit manalo ang kanyang koponan sa laban.
c. Ang manlalaro na nagsagawa ng pag AFK nang maraming beses ay maba-ban mula sa Ranked Mode sa mahabang panahon.

12. Live Stream Shopping
a. Idinagdag ang Live Stream Shopping function kung saan ang mga streamer ay magpapakita nang iba't-ibang game items sa iyo. Ang mga limited-time at limited-amount discount ay dito lamang sa Live Stream Shopping!
b. Nagdagdag ng chat function at purchase announcement.
c. Nagdagdag ng bagong visual effects para sa promotion image at sa Livestream Channel.
d. Inayos ang isyu kung saan ang live screen ay maaaring mag overlap sa ibang screen sa ilang pagkakataon.
e. Nagdagdag ng entrance icon sa main screen at pulang tuldok na paalala.

13. Nagdagdag ng parusa sa pagmumura sa labas ng battlefield.
Kapag ang isang manlalaro ay madalas magpadala ng mga mensaheng may pagmumura sa public chat channel, ang manlalaro na ito ay madidisable sa pagpapadala ng mga mensahe.

14.Pagsasaayos sa Esports Tournament observer camera
Maaari mo nang palitang ang camera range ngayon.

15.Pag-optimize sa Esports Live Stream promotion image
Kapag ang avatar ng koponan ay hindi pa nailalagay, ang itim na kulay ng background ay nakatago sa ngayon.


Mobile Legends: Bang Bang

You have to log in before you can reply Login | Register now.

Points Rules

Mobile Phone Version|Dark Room|Mobile Legends: Bang Bang Official Forum

2020-12-2 08:19 AM GMT+8

Powered by Discuz! X3.4

© 2001-2013 Comsenz Inc.

Quick Reply To Top Return to the list