Mobile Legends: Bang Bang

 Forgot password?
 Register now.
View: 3414|Reply: 3
Collapse the left

[Ipamahagi] Paano bumili ng diamonds gamit ang cellphone load? (Codashop)

[Copy link]
Post time 2018-12-20 11:04 PM | Show all posts |Read mode

Sign up now, Make more friends, Enjoy with more features, Let you easily Fun Community.

You have to Login for download or view attachment(s). No Account? Register

x
Hello sa inyo! Ako nga po pala si Charles, isa sa mga Forum Moderators. Napansin ko sa mga kapwa mga Pilipino players ay walang kakayahan makabili ng diamonds sa dahilang wala silang credit card na isa sa pinakang kailangan kapag bibili ng diamonds.
Ngayon, handog ko sa inyo ang isang guide para sa mga Pilipinong nais bumili ng diamonds gamit ang kanilang cellphone load. Paumanhin na Globe, Sun at Smart lamang ang mga network ang pwedeng magamit sa pagbili.

Nahihirapang magbasa ng post na ito? At mas gusto mo ang Ingles? https://forum.mobilelegends.com/ ... iewthread&tid=67439


Link para sa Codashop: https://www.codashop.com/ph/mobile-legends
Mga kailangan:
-Cellphone na gumagana na nalalagyan ng sim card
-Prepaid Number hindi Postpaid (Globe, Sun, at Smart)
-Mobile Legends account
-Mata at pag-unawa sa pagbabasa

PS: Sinubukan ko talagang gawing Tagalog ang salita upang maintindihan ng lahat.

Unang Hakbang
Ilagay ang iyong User ID at Server ID sa blangko
2nd.png

Saan ko makikita ang aking User ID at Server ID?
Ang User ID at Server ID mo ay makikita sa Profile Page ng iyong account sa loob ng laro. Ugaliing pindutin ang picture na makikita mo sa kaliwang-taas na bahagi ng iyong screen sa Mobile Legends para makapunta sa Profile mo.
48378451_322731248330261_9116212598524608512_n.jpg

Pangalawang Hakbang
Piliin ang nais mong bilhing diamonds
3rd.png


Ano pa ang ibang pwede kong bilhin sa Codashop?
Maari ka ding makabili sa Codashop ng Twilight Pass, Starlight Pass at MPL Borders (Ang pagbili ng mga ito ay depende, ilan sa kanila ay hindi pwedeng bilhin gamit ang cellphone load o hindi available sa laro).
4th.png

Pangatlong Hakbang
Piliin ang purchase method na nais mong gamitin (Sun/Smart o Globe)
5th.png

Pang-apat na Hakbang
Ilagay ang iyong e-mail address na kung saan ipapadala ang resibo ng iyong pagbili pagkatapos.

PS: Ito ay opsyonal, ngunit suhestiyon kong ilagay ang iyong e-mail address sapagkat kakailanganin mo ito para sa beripikasyon ng pag mamay-ari ng account sa hinaharap
6th.png

Pagkatapos pindutin ang "Buy Now" may lalabas na kahon na kung saan naka-saad rito ang pangalan ng account na nakaregister sa ID na iyong nilagay. Ito ay magsisilbing kumpirmasyon na tama ang iyong ID na nakalagay upang maiwasan ang mga ibang problema.
7th.png

Pang-limang Hakbang
Ilagay ang numero ng iyong cellphone (Globe, Smart/Sun) hindi pwede ang Postpaid na numero
9th.png

Pagkatapos, may ipapadala ang Codashop na confirmation number (tatlong numero) sa iyong Cellphone
48378237_2029560160674505_5213726333225402368_n.jpg

Pang-anim na Hakbang
Ilagay ang 3 numero at i-confirm
10th.png

Magbigay pugay! Natuto ka nang bumili ng diamonds at mayroon ka nang diamonds! ;)
11th.png

Mga madalas na tanong ukol sa pagbili
Q. Wala akong natanggap na text message ng code?
A. Maaring mali ang numero ang iyong nailagay o minsan medyo matagal ang pagsend.


Q. Nagbili ako ngunit wala pa kong natatanggap
A. Paumanhin, minsan ito ay nangyayari sapagkat nagkakaroon ng traffic sa pagproseso ng iyong binili. Maaring paki-hintay lamang ng ilang minuto


Q. Nagbili ako at naghintay, ngunit wala pang dumadating
A. Paumanhin sa abala, sa mga ganitong isyu, makiki-kontak ng Customer Service ng Mobile Legends sa loob ng laro ukol sa isyu na to. Maaring kailanganin ang purchase receipt o resibo ng iyong pagbili para beripikasyon.


Q. Nakabili ako ng maling aytem (item)
A. Pasensya ngunit hindi maisasauli ng Codashop ang iyong binayad at gayundin ang Mobile Legends sapagkat hindi sila nagkulang na magbigay ng mga kumpirmasyon bago mo bumili.


Q. Hindi ko mabili ang aytem (item) na nais kong bilhin gamit ang gusto kong purchase method
A. Paumanhin, ngunit may mga aytem (item) na hindi pwedeng gamitan ng ibang purchase method sapagkat ang iba ay may kinakailangan na minimum na halaga bago mo magamit ang isang purchase method o sadyang hindi talaga siya pwede.
Post time 2018-12-21 07:51 AM | Show all posts
Salamat kababayan hahaha pinoy ka pala hahaha
 Author| Post time 2018-12-21 11:38 AM | Show all posts
starboi replied at 2018-12-21 07:51 AM
Salamat kababayan hahaha pinoy ka pala hahaha

Oo ahaha. Walang anuman ;)

Comments

salamat Charles sa impormasyon na ito  Post time 2019-8-18 11:47 AM
You have to log in before you can reply Login | Register now.

Points Rules

Mobile Phone Version|Dark Room|Mobile Legends: Bang Bang Official Forum

2020-12-2 08:50 AM GMT+8

Powered by Discuz! X3.4

© 2001-2013 Comsenz Inc.

Quick Reply To Top Return to the list